Biyernes, Pebrero 12, 2016

Nalilito si misis kung makikipagkita pa sa ex-bf



Dapat pa ba akong makipagkita sa aking ex-boyfriend kahit mayroon na akong asawa? – Mila

Mila,
Para ano pa at gagawin mo ‘yan? Feel mo bang magkakaroon pa kayo ng second chance? Huwag kang engkang. Mas maiging huwag ka na makipagkita sa’yong ex. Kahit naman kasi nakaraan na ang inyong relasyon, mayroon pa ring kayong pinagdaanan at hindi iyon makabubuti. Sige nga, paano kapag may nakakita sa inyo ng iyong ex? Tiyak na hindi ‘yan ikatutuwa ng iyong mister. Kahit sabihin mong wala naman kayong ginagawang masama ng iyong ex, pangit pa ring tingnan na makikipagkita ka sa dati mong karelasyon. Mayroon namang Internet at cellphone, makabubuti pang doon na lamang kayo magkamustahan.   

Umamin kay misis na nagtaksil



Naipagtapat ko na sa aking misis na nagkasala ako sa kanya. Labis siyang nasaktan at laging umiiyak. Ano ang aking gagawin para mapawi ang sakit na nagawa ko sa kanya? – Gin

Gin,
Kung nais mo talagang makabawi sa’yong misis, ipadama mo sa kanya ang iyong pagsisisi. Ipangako mo sa kanya na hindi mo na uulitin pa ang iyong kasalanan. Huwag mo lang sanang ipako ang iyong mga pangako. Kailangan mo itong tuparin. Ibuhos mo ang iyong pagmamahal sa’yong pamilya. Sigurado naman akong kayang-kaya mo itong gagawin kung gugustuhin mo. Ang mga bagay na magiging dahilan para matukso ka ay iwasan mo. Alam kong malimit na natutukso ang isang tao dahil sa cellphone at Internet. Kung dito ka naghahagilap ng makakarelasyon, aba, tigilan mo na. Nakagawa ka na ng kasalanan sa’yong misis na alam kong labis mong pinagsisihan kaya huwag mo na itong ulitin. Gumamit ka na lang ng ganitong gadgets kung kailangan mo. Higit kaninuman, sa pamilya mo ibigay ang iyong pag-ibig. Huwag mo na hayaan pang masira ‘yan dahil ikaw din ang magiging kaawa-awa. Tiyak ko kasing magsisisi ka ng todo kapag nagdesisyon ang misis mo na iwanan ka. Hindi ko ito sinasabi para takutin ka lang, okay. Maaari talaga itong mangyari kaya huwag mo itong hayaan.

May tatlong anak ang biyudong bf kaya nag-aalangan



Tatlo ang anak ng aking  boyfriend. Biyudo na naman siya.. Okay lang bang maging kami? – Tina

Tina,
Kung biyudo naman siya, wala akong nakikitang dahilan para magkasala ka. Iyon nga lang, kaya mo bang tanggapin ang kanyang anak. Kung kasundo mo sana sila ay okay lang. Kung hindi kasi, siguradong mahihirapan kang makapasok sa kanilang pamilya. Kaya, hulihin mo ang kanilang loob. Kung hindi mo ito magagawa, makabubuti pang huwag mo na ipagpatuloy pa ang inyong relasyon. Pare-pareho lang kasi kayong mahihirapan. Ngayon kung nagmamahalan kayo, kailangan mong magsakripisyo. I’m sure naman kung para sa mahal mo ay madali lang itong gawin.

Nagdaramdam sa kaibigang lalaki na hindi tumawag o nagtext matapos kunin ang contact number




Dear Maria Angela,
Pinutol ng kaibigan kong lalaki ang aming komunikasyon. Kinuha niya ang number ko  pero hindi naman niya ako tinawagan. Pinaasa lang niya ako. Ano ba ang aking gagawin?  -- Roma

Roma,
Alam ko na masakit ang umasa, ngunit, ngunit bago ka magdamdam, kailangan mo muna siyang unawain. Malay mo mayroon siyang mabigat na dahilan kaya hindi ka niya agad na-contact. Saka, sana kinuha mo rin ang number niya para ikaw na ang maunang mangumusta. Magkaibigan naman kayo kaya natural lang na mag-alala ka rin sa kanyang kalagayan. Bakit hindi mo ginagawa? Marahil ay dahil may malisya ka na. Siguro nga ay natatakot ka na mabuking niya ang damdamin mo kapag naunahan ka niyang i-text. Well, maaari ngang ganu’n ang mangyari, pero, maaari ring hindi. Basta ang alam ko, masisiyahan siya kapag nalaman niyang pinahahalagahan mo ang iyong pagkakaibigan. Kung tinext mo na siya at hindi siya nag-reply, wala ka ng ibang dapat gawin kundi maghintay. Mabuti pang ibaling mo na sa ibang bagay ang iyong atensyon. Sa pamamagitan nito ay bahagya siyang mawawala sa’yong isipan. Kung hindi kasi ganito ang gagawin mo, walang ibang magiging kawawa kundi ikaw. Huwag mo hayaan na mangyari iyon.

Lunes, Pebrero 8, 2016

‘Di dinugo sa first time kaya nanlamig ang boyfriend


Dear Maria Angela,
Akala ng boyfriend ko, hindi siya ang nakauna sa akin dahil hindi ako dinugo ng mag-sex kami.  Ano ang aking gagain? – Regina

Regina,
Kung ayaw mong maniwala, hindi mo siya mapipili. Napakahirap kasing papaniwalain pa ang sarado na ang pag-iisip. Hindi ko sinasabi ito para saktan ang kalooban mo. Gusto ko lang ipamulat sa’yo ang isang katotohanan.
Hindi tanga ang isang lalaki para malaman niya kung virgin ka pa o hindi. Kahit hindi ka duguian, alam pa rin niya na siya pa lang ang nakapasok sa’yo dahil masikip pa ang pwerta mo. May mga pagkakataon lang na di ka duduguin kung noong bata ka ay mahilig ka sa mga larong panlalaki na magiging dahilan para mapunit ang hymen mo.
Ang nakikita ko tuloy na dahilan kaya siya nanlamig sa’yo ay dahil hindi ka na niya mahal. Ang nais lang nioya ay makuha ang pagkababae mo bago ka niya itapon na parang walang pakinabang na basahan.
Sorry dahil alam kong masasaktan ka sa aking sasabihin pero naniniwala akong ito ang dahilan kaya nanlalamig siya sa’yo. Hindi ka niya talaga mahal. Kung labs ka kasi niyang boyfriend mo, kahit natuklasan pa niyang hindi siya ang nakauna sa’yo, tatanggapin ka niya pero iyon ba ang ginawa niya, hindi. Kaya, huwag ka na mag-isip pa ng kung ano. Masakit pero kailangan mong tanggapin na walang kuwentang lalaki ang natagpuan mo kaya ngayon ay labis kang nasasaktan.
Kung iiwan ka na niya, let him go. Wala siyang kuwenta para panghinayanganan mo. Hindi porke nakuha na niya ang virginity mo ay magpapakagaga ka na lang sa kanya.
Aba, aba, aba…mas mahalin mo ang iyong sarili kaysa itrato ka niyang parang pokpok.
Ipanalangin mo na lang na hindi magbunga ang pakikipag-sex mo sa kanya dahil kapag nagkataon, mas kawawa ka. Sana ang nangyari sa’yo ay magsilbing leksyon. Hindi lahat ng lalaking magsasabi sa’yo ng 
I love you ay matino. Dapat, kilalanin mo siyang mabuti bago mo malaman kung anong klaseng tao ba siya.