Lunes, Pebrero 8, 2016

Labs pa rin ang ex kahit may boyfriend na





May boyfriend ako ngayon pero labs ko pa rin ang aking ex. Dapat ko bang itigil ang relasyon naming ng aking BF? – Kai

Kai,
Anong silbi ng relasyon ninyo ng boyfiend mo kung hindi mo naman siya mahal? Huwag kang maging madaya. Kailangan ay maging tapat ka. Hindi lang sa kanya kundi pati sa’yong sarili.
Walang kahihinatnan ang inyong relasyon kung wala kang damdamin sa kanya. Kawawa naman siya. Kung mahal na mahal ka niya sigurado ako na labis siyang nasasaktan sa kaalamang hindi mo siya talaga mahal. Tiyak na hindi siya manhid para ‘di niya maramdaman na wala kang pag-ibig sa kanya. Pero, bakit ba hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ang iyong ex? 
Well, siguro nga ay ibinigay mo sa kanya ng buung-buo ang iyong puso kaya ngayon ay nahihirapan kang palitan siya. Huwag mo kasing ikukumpara ang kasalukuyan mong boyfriend sa’yong ex-bf dahil ang mga kakulangan ng kasalukuyan mong relasyon ang makikita mo. Siyempre, hahanap-hanapin mo ang noon dahil hindi ka kuntento sa ngayon pero kapag nawala ‘yan sa’yo tiyak na siya naman ang iyong hahanapin. Naturalesa na kasi sa mga tao na ang hinahanap ay ‘yung wala at ang naririyan ay hindi binibigyan ng importansiya.
Kaya, bago ka gumawa ng desisyon, pag-isipan mo muna ng ilang ulit. Mahirap magkamali, sige ka.

 

 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento