Lunes, Pebrero 8, 2016

Pinagdududahang pera lang ang habol ni labs

Dear Maria Angela,
Pakiramdam ko tuloy ay pera lang ang habol niya sa akin ng girlfriend ko for 12 years. Payuhan mo naman ako, hindi ko na alam ang iisipin at gagawin ko.. – Anton


Anton,
Sa loob ba ng napakahabang panahon na ‘yun, eh, wala siyang ginawa kundi gastusin lang ang pera mo? Kung ‘oo’, napakatagal mo naman yatang nagpakatanga. Sorry for the word ha. Hindi ko lang kasi ma-gets kung bakit now mo lang na-realize ‘yan. Kung talagang hinuhuthutan ka lang niya. Don’t tell me, nahalata mo lang kung kelang mauubos na ang saving mo.


Haller!!!Huwag mo naman isipin na kinakampihan ko ang dyowa mo, ha. Siyempre ikaw ang higit na nakakakilala sa kanya pero hindi rin naman kita kilala para masabi ko nga na niloloko ka niya. Ang gagamitin ko lang sa pagbibigay ng payo sa’yo ay ang common sense ko.


Kung manloloko lang ang girlfriend mo, hindi kaya masyadong matagal ang 12 years? Kung pera lang ang habol niya sa’yo, dapat nag-demand na siya ng kasal sa’yo para tuluyan na niyang maangkin ang yaman mo. Ganoon ka nga ba kayaman para magkainteres siya? Kung maganda ang girlfriend mo, hindi mo ba naisip na maaaring mas makakilala pa siya ng lalaking mas mayaman kaysa sa’yo? Para sa akin, hindi magtitiyaga sa’yo ang isang babae ng ganoong katagal kung pera lang ang habol niya sa’yo. Kaya, bago mo siya pagdudahan, mag-isip ka muna dahil baka maling-mali ang iyong pinaniniwalaan. Humarap ka rin sa salamin at tanungin mo ang iyong sarili. Baka naman kasi mamaya ay ikaw naman ang may mali.


Tanungin mo ang sarili mo, mahal mo ba talaga ang gf mo? Kung mahal mo kasi siya, pagkakatiwalaan mo siya. Kung may problema kayo, ayusin ninyo. Huwag ninyo sayangin ang mahabang panahon na iyon para saw ala.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento