Lunes, Pebrero 8, 2016

Dear Maria Angela, ang pagpapakilala



Magandang Umaga, hapon  o gabi! Anuman ang oras mo, hindi magpapaawat ang Dear Maria Angela para alamin ang daing ng puso mo.
Lahat tayo, mapababae, mapalalake, mapabakla o mapatomboy ay nangangarap na magkaroon ng pag-ibig. May ilan na nagtatagumpay pero mayroon din na bigo, maaari ring ang magkarelasyon ay mayroong pinagdaraanan. Kahit na ano pa ang iyong problema, ang Dear Maria Angela ay handang magbigay ng payo o mag-alay ng tulong sa puso at isipan na naguguluhan. 

Mahirap magtiwala, alam ko ‘yan pero kailangan mong malaman na ang mundong ito ay tila isang napakalaking pasugalan, hindi mo alam kung sino ang tao na maaari mong pagkatiwalaan. Subalit, paano mo siya makikilala kung hindi ka susugal na ako ay iyong pagkatiwalaan.
Basta lagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa, may kamay na handang dumamay sa’yo. Naririto lang ako at naghihintay na sabihin mong Dear Maria Angela…
Hihintayin ko ang pagsulat mo…


Nagmamahal, 
Maria Angela

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento