Lunes, Pebrero 8, 2016

Misis nililigawan ni Textmate


Dear Maria Angela,
Gusto ng ka-text kong guy na magkaroon kami ng relasyon kahit mayroon akong asawa. Dahil doon ay nagdesisyon na akong itigil ang pakikipag-text sa kanya. Mahal na mahal ko pala ang aking asawa. Ano ang aking gagawin para makabawi ako sa aking mister?  – Nerrie

Nerrie,
Bakit ka ba naman kasi nakikipag-text pa? Bored ka ba? Aba, tumingin ka lang sa paligid at tiyak na marami kang magagawa. Itigil mo na ang pakikipag-text mo sa lalaking ‘yan, huwag mo na hintayin na magkasala ka pa. Kapag nangyari iyon para ka lang kumuha ng martilyo na ipupukpok sa’yong ulo.
Sana nga lang, kapag itinigil mo na ang pakikipag-text mo sa lalaking ‘yan, tumigil ka na talaga. Meaning, huwag ka na ring makikipag-text sa kahit sinong lalaki maliban sa’yong mister.
Mayroon ka ng asawa kaya dapat sa kanya lang ang atensyon mo. Kung gusto mo ng textmate, i-text mo na lang ang iyong asawa. Sigurado pa akong tatamis ang inyong pagmamahalan.  Kung gusto mong makabawi sa’yong asawa, gampanan mo ang tungkulin mo bilang misis. ‘Yon ay ang maging tapat ka sa kanya. Dapat ding asikasuhin mo ang lahat ng kanyang pangangailangan. Hindi lang sa kama kundi sa mga kanyang kailangan. Ipagluto mo siya, ipaglaba, ipamalantsa at ipaglinis mo siya ng bahay. Kung nasa abroad siya at nagtatrabaho, i-chat mo siya palagi para malabanan ninyo ang lungkot. Kung may anak kayo, asikasuhin mo siya para mawala ang atensyon mo sa pakikipag-text sa kung sinong herodes na hindi mo naman kilala. Para madala ka sa pakikipag-text, ipapaalala ko sa’yo na ‘yan na ang pinapasok ng mga kawatan para ikaw ay mapagnakawan. Buti sana kung iyon lang ang magaganap sa’yo ay pagnanakawan ka lang, paano kung halayin at patayin ka? Kaya magtino ka na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento